ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jam Sebastian, 'sinundo' kaya ng kaniyang lolo?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sinisikap ni Michelle Liggayu na magpakatatag sa kabila ng lungkot na nadarama sa pagpanaw ng fiancé na si Jam Sebastian. Kaugnay nito, bumuhos ang pakikiramay sa pamilya ng binata sa unang araw ng burol nito.

Sa panayam ni Cata Tibayan para sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, inilarawan ni Mich na makulit, mapagbiro at puno ng pangarap ang namayapang nobyo.

Hindi pa rin daw niya matanggap na wala na ang kaniyang boyfriend for almost seven years. Kaya naman tuliro pa raw siya at hindi maiwasan na maiyak.

Gayunman, sinabi ni Mich na si Jam at ang Diyos pa rin ang kaniyang sandalan para maging matatag.



"Kaninang madaling araw pag-uwi namin nakatulog ako agad. Tapos paggising ko, feeling ko refresh ako. Parang may unexplainable comfort na nagparamdam sa akin," pahayag ng dalaga.
 
Sa mga huling sandali ni Jam, sinabi ni Mich na hindi niya iniwan ang nobyo dahil nakararamdam daw ng takot ang binata na mapag-isa bago ito pumanaw.

Binulungan niya si Jam na humingi ng tulong sa Maykapal.

"May isinusulat siya na hindi namin maintindihan sa ilalim nu'n pero yung next nu'n nabasa na namin is lolo. Interpretation ng mommy niya or ng kuya niya is baka lolo ni Jam, ganun na tinatawag daw siya," kuwento ni Mich.

Dagdag niya, "Pero ako naiisip ko baka iba, wala naman kasi siyang tinatawag na lolo, hindi lolo ang tawag niya sa grandfather niya. Baka siguro, puwedeng saklolo 'yon or something kaya nagpopost pa rin ako [sa social media] na nag-a-ask na ipag-pray pa rin natin si Jam."

Kabilang sa mga paniniwala ng mga Pilipino na ang isang taong papanaw na ay "sinusundo" ng mga kaanak na nauna nang sumakabilang-buhay.

Samantala, idinaan naman si Mich sa isang madamdaming kanta na "You Are My Song" ang mensahe niya para sa pumanaw na fiance.

Kuwento naman ng mommy ni Jam na si Maricar at kuya niyang si Yexel, nagbigay daw sa kanila ng lakas ng loob ang matatag na pakikipaglaban ni Jam sa cancer.

Bumuhos naman ang pakiraramay mula sa mga nagmamahal at fans sa unang araw ng burol ni Jam. -- FRJ, GMA News