Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: InstaDAD brings fun to Kapuso viewers every Sunday afternoon


Simula sa Marso 22, Linggo, kakaibang saya ang ihahatid ng bagong GMA afternoon family-friendly drama series na InstaDAD para sa Kapuso viewers.

Pangungunahan ito ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann, at ang Kapuso teen 'It Girls' na sina Gabbi Garcia, Ash Ortega, at Jazz Ocampo.
 
Gagampanan ni Gabby ang karakter ni Ken, ang ama na mayroon tatlong anak na sina Marikit (Gabbi), ang boyish, adventurous at athletic at very protective sa kaniyang dalawang kapatid; si Mayumi (Ash), ang pinakamatanda at matalino; at si Maaya (Jazz), ang sociable, girly at fashionable.
 
Kasama rin sa programa sina Matet de Leon,  Juancho Triviño at si Prince Villanueva.
 
Ang InstaDad ay sa ilalim ng direksiyon ni Neal del Rosario,  at mapapanood tuwing Linggo, simula sa Marso 22 pagkatapos ng Sunday All Stars.




-- FRJ, GMA News

Tags: instadad