ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Did Bb. Pilipinas Universe Pia Wurtzbach go out on a date with PNoy?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sinagot ng bagong koronang si Binibining Pilipinas Universe Pia Wurtzbach ang tanong kung totoo bang naka-date niya si Pangulong Benigno Aquino III sa isang mamahaling restaurant. Kasabay nito, tinukoy ni Pia kung sino ang "boyfriend" niya ngayon.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa "Chika Minute" report ng GMA News 24 Oras nitong Martes, isa-isang sinagot ni Pia ang mga mainit na tanong tulad ng umano'y pagsabotahe sa kaniya sa pagsisimula ng coronation night ng pageant nitong Linggo.

Ang naturang pananabotahe ay lumabas sa social media at sinabing may nagtago raw ng kaniyang gown.



Pero mariin itong itinanggi ni Pia; "Thats not true. I don't know where that story came from. We don't have phones with us so hindi sa amin galing yung story na 'yon."

Tungkol naman sa balitang nag-date sila ni PNoy sa isang sikat na Italian restaurant, itinanggi rin ito ng bagong beauty queen.

"It's very flattering but this is my first day as Miss Universe 2015 and I just trying to savor the moment. I've been waiting for this crown for a long time," ayon kay Pia.

Dagdag niya, "Matagal kong niligawan 'tong koronang ito, so ito ang boyfriend ko."

Tatlong beses nang sumali sa Binibining Pilipinas si Pia bago nasungkit ang korona ngayong taon.

Isyu kay Christi Lynn Mcgarry

Samantala, iniintriga rin ngayon ang pagkapanalo ni Christi Lynn Mcgarry bilang Bb Pilipinas Intercontinental.

May nagtanong kasing pageant experts kung paano raw kakatawan si Christi ang bansa sa Miss Intercontinental 2015 gayung lumaban na rin siya sa nasabing pageant noong 2010, sa panahon na hindi pa hawak ng Binibining Pilipinas ang franchise nito.

Sa pagsali ni Christi noong 2010, nakapasok siya sa top 15 at naiuwi ang titulong Queen of Asia and Oceania Award.

Sabi ni Christi, inaalam na ng Binibining Pilipinas organization kung paano maaayos ang naturang usapin, at siya man ay hangad niyang malaman kaagad ang kasagutan. -- FRJ, GMA News