ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Roadfill ng 'Moymoy Palaboy’ at 'Lola  Biritera,' sumalang sa Asia’s Got Talent


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pumasa kaya sa panlasa ng mga judge ng Asia's Got Talent ang tambalan ng komedyanteng si Roadfill ng "Moymoy Palaboy" at ang "Lola Biritela" na si Felicitas Garcia?
 
Unang nakilala si Lola Felicitas nang mag-viral ang kaniyang video habang bumibirit sa pagkanta. Kilala naman si Roadfill bilang bahagi ng lip-synching duo ng ‘Moymoy Palaboy’ na napapanood sa Bubble Gang.
 
Sa pagsalang nila sa nasabing talent show, sinabi ni Roadfill na sinamahan niya si Lola Fe para makamit nito ang pangarap na maging sikat na mang-aawit.

Nagpakitang gilas si Lola Fe sa pagbirit sa Bonnie Tyler hit na "Total Eclipse of the Heart."  Nagsilbi namang "second voice" na may comedy act si Roadfill.

Kitang-kita na nagustuhan ng mga tao sa audience at maging ng mga judge ang ginawa ng dalawa.

Katunayan, maliban kay David Foster, nag-standing ovation ang mga judge na sina Van Ness Wu, Anggun, at Mel C ng ‘Spice Girls.’

Nang magbotohan, nag-"no" si David dahil gusto niya na si Lola Fe na lang ang umusad sa next round at iwan na si Rodfill, bagay na tinanggihan ni Lole Fe dahil sa "tandem" sila ni Roadfill.

"Yes" naman ang naging boto ng tatlo para sa Rodfill-Lola Biritera tandem.
 


Samantala, sa isang Instagram post, ipinaliwanag ni Roadfill ang dahilan kung bakit hindi siya kumanta.

"Naiisip ko kasi sa dami ng sumasali at magagaling kumanta sa bansa natin, kung palin na kumanta ako I dont think makakapasok kami sa elimination round. Libo-libo kaming pumila sa MOA to audition," ani Roadfill.

Pero sa susunod ay kakanta na rin umano ang komedyante.

 

explain explain pa? sige bawi next time. kung may next time. :)) #asiasgottalent @asiasgottalent

A photo posted by roadfill (@roadfillsparks) on


-- FRJ, GMA News