ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'I won't be able to see clouds': Aubrey Miles pokes fun at Melissa Mendez controversy
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos lumabas ang isyu hinggil sa puwersahang pagpapababa sa aktres na si Melissa Mendez sa isang eroplano dahil umano sa pageeskandalo, kaliwa't kanan na ang naging sagutan ng kampo ng aktres at ng nakaalitan nitong si Rey Pamaran, na kaibigan ng host at model na si Andrew Wolff.
Kasabay nito, nag-post ang aktres na si Aubrey Miles ng isang larawan na tila pinagkakatuwaan ang naturang isyung kinasasangkutan ngayon ng tatlo.
Nitong Linggo, makikita sa isang Instagram post na tila nasa isang eroplanong walang bintana ang aktres.
A photo posted by Aubrey Miles (@milesaubrey) on
Aniya, "Leaving Davao. I requested for a window seat but where's the window? Hahaha. Awwww I won't be able to see the clouds. Hayyy, 3rd time na 'to, promise. But it's okay, itutulog ko na lang."
Matatandaang ang naging ugat ng alitan nina Mendez at Pamaran ay ang kagustuhang maupo ng aktres malapit sa bintana upang makita at makuhanan ng litrato ang mga ulap.
Ni-repost naman ni Andrew ang naturang larawan kasama ang caption na "Should have got 2A or 3A or 4A or 5A... 40A or 41A."
Ito ay kaugnay ng seat number 1A na naging dahilan ng pagtatalo ng magkabilang kampo. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular