Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Ryzza Mae gets special awards from international school


Kahit na araw-araw ang kanyang pagpapasaya sa mga Dabarkads sa kanyang talk show na "The Ryzza Mae Show" at noontime variety show na "Eat Bulaga," hindi pa rin napabayaan ni Aling Maliit Ryzza Mae Dizon ang kanyang pag-aaral
 
Kasalukuyan siyang naka-enroll sa isa sa maituturing na prestihiyosong paaralan sa bansa, ang Eton International School.
 
 

Yay!!!!!!!! Congratulations to me!!!! ?????????????????????? Thank you Eton International School!????

A photo posted by ???? The Ryzza Mae Show (@therealryzza) on

 
Noong Sabado, nakatanggap ng Multiple Intelligence Award: Excellence in Verbal Lingustic at Special Award: Eton Achiever ang child wonder mula sa kanilang recognition rites.
 
"Yay!!!!!!!! Congratulations to me!!!! Thank you Eton International School!" ayon kay Ryzza sa kanyang Instagram post.
 
Grade 5 na si Aling Maliit sa susunod na school year. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News