Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Baleleng' at 'Napakasakit Kuya Eddie" singer na si Roel Cortez, pumanaw na


Pumanaw na nitong Miyerkules ng hapon ang singer na si Roel Cortez dahil sa kaniyang sakit na colon cancer.

Ang pagpanaw ni Roel ay ibinalita sa Facebook page ng GMA show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ayon sa naturang post sa Facebook, sinabing binawian ng buhay si Roel nitong Miyerkules, April 1, bandang 9:30 p.m.

 

Ikinalulungkot po naming ipaalam sa inyo na pumanaw na kagabi bandang 9:30pm ang mang-aawit na si Roel Cortez dahil sa...

Posted by Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Wednesday, April 1, 2015



Nakalagad ang mga labi ng mag-aawit sa Ever Funeral sa Pantok Meycauayan, Bulacan at ihahatid siya sa kaniyang huling hantungan sa April 9.

Basahin: 'Napakasakit Kuya Eddie' singer Roel Cortez diagnosed with stage four colon cancer

Sumikat si Roel noong dekada '80 dahil sa mga tumatak niyang awitin gaya ng "Baleleng" at "Napakasakit Kuya Eddie."

Noong nakaraang Marso 22 ay tinalakay ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang kuwento ng buhay ni Roel. (Basahin: Napakasakit, Kuya Eddie: Ang bagong pagsubok ni Roel Cortez)

Nakapanayam pa ang mang-aawit habang nakaratay sa kaniyang bahay. Dito na rin siya binisita ng legendary folk singer na si Freedie Aguilar.

Sa naturang panayam, inihayag ni Roel ang paghihirap na nararamdaman niya sa kaniyang sakit.

“Bakit ganito ang binibigay [ng Diyos] sa akin? Sawa na ako sa buhay na ganito,” malungkot niyang pahayag sa programa.-- FRJ, GMA News