ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Willie Revillame, hands-on sa preparasyon para sa 'WowoWin'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nitong nakaraang linggo lamang, ipinasilip sa mga manonood ang magiging tahanan ng bagong game show na 'WowoWin' na pangungunahan ng TV host na si Willie Revillame, na nagbalik bilang isang Kapuso noong March 20.

Bukod sa mga nag-aabang na fans ni Willie, mukhang excited rin ang TV host sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

Sa isang Instagram video na nai-post nitong Linggo, makikita ang 'WowoWin' host nakaisa sa mga nagbabantay at nangangasiwa sa pagbuo ng magiging set at studio ng kanyang game show.

Naroon din ang ilan pang tao sa likod ng programa, kabilang na ang direktor nito na si Randy Santiago.

 

#Wowowin set and the very hands-on #willierevillame

A video posted by Adrian Gret (@adriangret) on



Bukod sa magiging studio ng 'WowoWin,' ipinasilip na rin sa mga nag-aabang na manonood ang jacket na ipamimigay ni Willie sa isa sa pinakaaabangang segment ng 'WowoWin'-- ang 'Bigyan ng Jacket 'Yan!'

Ayon kay Willie sa mga naunang pahayag, "Sa sampung jacket na 'yon, meron hong nakalagay du'ng cash o kung ano man. Pero merong isang susi du'n, yung susi na 'yon, 'pag umandar yung sasakyan, iuuwi mo na 'yon," paliwanag niya. http://www.gmanetwork.com/news/story/456521/showbiz/chikaminute/bigyan-ng-jacket-yan-segment-sa-game-show-ni-willie-revillame-na-wowowin

Bukod sa sasakyan, asahan na raw ang pamimigay ng papremyong cash at maging bahay at lupa.

"Magbibigay kami ulit siyempre ng one million, magbibigay ulit kami ng sasakyan, house and lot. Kumpleto na, kumpletong-kumpleto na para sa isang buong pamilya," masaya niyang balita. - JST, GMA News