ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Colorado-based Filipino makeup artist transforms into Mommy D


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa 'Eat Bulaga' host na si Paolo Ballesteros, isang Pinoy rin ang sikat ngayon sa netizens dahil sa kanyang talento sa makeup at sa mga nakakabilib na makeup transformations na ipino-post niya sa social media.

Nitong Biyernes, nag-post ang Colorado-based makeup artist na si Jan Bonito ng isang makeup transformation na inspired ng ina ng Pambansang Kamao-- si Aling Dionisia Pacquiao.

Ayon kay Jan sa isang Instagram post, isa sa mga inaabangan niya sa nalalapit na sagupaan ni Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa boxing ring ang moments ni Mommy Dionisia.

"I'm hoping she does another one of those Voodoo-Crucio-Avada Kedavra hex sh*t on Mayweather. I'd pay good money on PPV just to see 12 seconds of that," aniya.



Bukod sa larawan, nag-post din ang makeup artist ng isang video guide tungkol sa ginawa niyang transformation.

Makikita rito si Jan na ginagaya ang pagdarasal ni Aling Dionisia habang may hawak na rosaryo at prayer booklet noong nakaraang laban ni Pacquiao kontra kay Timothy Bradley. http://www.gmanetwork.com/news/story/357799/showbiz/mommy-dionisia-explains-the-hex-finger-during-the-pacquiao-bradley-fight

"Mayweather beware, she got her spell book ready," pabirong babala niya pa sa bagong makakalaban ng Pinoy boxing champ.



- JST, GMA News