WATCH: Mom of 3 Sunshine Cruz's secret to staying fit
Marami ang nakakapansin sa magandang pangangatawan ng aktres at singer na si Sunshine Cruz. Ito ay sa kabila ng pagiging ina sa tatlong dalagita na sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline, and Angel Francheska.
Sa edad na 37, aktibo pa rin sa kanyang fitness journey ang aktres, at bukod nga sa pagkain ng tama, isa rin sa mga sikreto ni Sunshine ang boxing.
Hindi rin basta-basta ang boxing trainer ng hot momma.
Aniya sa isang Instagram post, isa sa mga pinasasalamatan niya para sa maganda niyang pangangatawan at healthy lifestyle ang boxing coach na si Caloy Baduria ng isang sikat na boxing gym.
"Thank you Coach Caloy Baduria of Elorde Gym sucat, @cathyvalencia, @cedrixslimmingandwellness, WhiteGlo craveaway toothpaste and @thehappydiet," ayon kay Sunshine.
Si Caloy Baduria, o "Bad Boy," ay isang light heavyweight mixed martial artist na mayroong siyam na panalo at apat na talo lamang. Madalas na lumalaban si Baduria sa Universal Reality Combat Championship (URCC), ang kauna-unahang professional mixed martial arts event sa Pilipinas.
Stopped for 2 months. Still slow but getting there... Thanks Coach Caloy!????
A video posted by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718) on
Back to boxing. Thank you Coach Caloy! Labas ang pawis!! ????
A photo posted by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718) on
I have chosen to be HAPPY. It's good for my health.. - Voltaire ?????????
A photo posted by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718) on
-- JST, GMA News