Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Empress Schuck admits she's pregnant


Sa exclusive interview ng Startalk nitong Sabado, April 11, winakasan na ng Kapuso young actress na si Empress Schuck ang mga bali-balitang nagdadalang-tao siya. Sa naturang panayam, inihayag ni Empress ang kaniyang unang reaksiyon nang matuklasan niyang buntis siya.

Basahin: Empress Schuck, three months pregnant?

Bagaman nasa showbiz, nagawa ni Empress na gawing pribado ang kaniyang love life. Sinabi nito na Vino ang pangalan ng ama ng kaniyang baby, na family friend nila sa Zamboanga.

Humingi naman ng paumanhin ang aktres sa fans at sa mga taong tumutulong sa kaniyang career sa nangyari. Kasabay nito, nagpasalamat siya sa mga nakakaunawa sa kaniyang pinagdadaanan ngayon.

Sinabi ni Empress na nais niyang ipagpatuloy ang kaniyang showbiz career kung mabibigyan ng pagkakataon.




-- FRJ, GMA News