ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lolit Solis, nagpahiwatig tungkol sa umano'y pagiging buntis ni Marian?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wala pang kompirmasyon sa kampo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera tungkol sa mga bali-balitang nagdadalang-tao ang Kapuso Primetime Queen. Pero ang Startalk host na si Lolit Solis, tila may ipinahiwatig.

Basahin: Marian Rivera mum about rumored pregnancy

LOOK: Posibleng itsura ng magiging baby nina Dingdong at Marian

Sa episode ng Startalk nitong Sabado, April 11, sinabi ni Lolit na may iaanunsiyo sina Dingdong at Marian sa susunod na linggo.

"Marami ring aabangang manganak 'di ba Lolit," bungad ni Joey de Leon, na isa rin sa mga host ng programa.

"Eto ho ang magandang balita namin sa inyo, sa isang linggo may ipapahayag sina Dingdong at Marian," ani Lolit. "Mabuti nang sa kanila manggaling."
 
Patuloy pa niya, "Kung anuman 'yon [ipapahayag] pero magandang balita kasi magkakaroon na yata ng mga junior junior? Abangan n'yo."



Nitong Biyernes, lumabas sa isang gossip blogsite ang balitang buntis si Marian.

Disyembre 2014 nang ganapin ang enggrandeng kasal nina Marian at Dingdong.

Pero nananatiling tahimik pa ang kampo ng mag-asawa tungkol sa balitang magkakaroon na sila ng unang baby.

Ngunit kahit wala pang linaw tungkol dito, maraming netizens na ang bumabati sa mag-asawa.



-- FRJ, GMA News
Tags: marianrivera