Filtered By: Showbiz
Showbiz

Is this Kylie Padilla's new boyfriend?


Hindi man nagtigil ang mga bali-balitang nagkabalikan sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, mukhang nakahanap na ng bagong pag-ibig ang Kapuso actress sa katauhan ng isang non-showbiz chef.

Nitong Sabado, nag-post si Kylie ng isang larawan kung saan makikitang nakayakap siya nang mahigpit sa isang lalaki. Blurred man ang photo, naka-tag naman dito si Matt Henares, ang young chef na anak ng beteranong aktor at 'Pepito Manaloto' star na si Ronnie Henares at pinsan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Ayon kay Kylie sa naturang Instagram post, "I miss you."

 

I miss you ????

A photo posted by @kylienicolepadilla on



Tila kinumpirma naman ito ng ama ng binata sa isa pang Instagram post, kung saan tinawag niya si Kylie na "Lady Love" ni Matt.

Paalis umano si Matt papuntang Australia para sa isang culinary internship, at isa nga sa mga personal na nagpaalam sa kanya ang Kapuso actress.

 

@matthenares with his lady love @kylienicolepadilla at the airport before flying to Australia for a culinary internship.

A photo posted by Ronnie Henares (@ronniehenares) on



"@matthenares with his lady love @kylienicolepadilla at the airport before flying to Australia for a culinary internship," ayon kay Ronnie sa isang Instagram post noong nakaraang dalawang linggo.

Hindi pa nakapagbibigay ng kanilang pahayag ang panig nina Kylie at Matt hinggil sa balita ng tunay na estado ng kanilang relasyon. -- JST, GMA News
Tags: kyliepadilla