Geoff Eigenmann wins in jiu-jitsu tournament
Kabilang ang 'Kailan Ba Tama Ang Mali' star na si Geoff Eigenmann sa mga nakatuon sa martial arts bilang bahagi ng kanyang workout at fitness regime.
Isa nga sa mga hilig ng aktor ang jiu-jitsu at nitong buwan, nagkaroon siya ng pagkakataong maipakita ang skills at ang mga natutuhan niya sa tuloy-tuloy na training matapos siyang sumali sa Rollapalooza, ang taunang komeptisyon para sa non-professional jiu-jitsu enthusiasts.
Naganap ang nasabing paligsahan noong March 29 sa Fisher Mall sa Quezon City, kung saan kabilang si Geoff sa White Belt category para sa mga kalalakihan.
Ayon sa Kapuso actor sa isang Instagram post, nanalo siya sa tatlong matches.
A photo posted by eigenmann (@g_eigenmann42zero) on
Kasama niya sa kanyang team ang aktor na si Rocco Nacino na lumaban rin sa parehong category sa ilalim ng ibang weight division.
Nagwagi rin si Rocco sa tatlong matches at nag-uwi ng gold medal.
A photo posted by Rocco Nacino (@nacinorocco) on
-- Bianca Rose Dabu/JST, GMA News