ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heart Evangelista, kinuwestiyon ang QC ordinance tungkol sa pag-aalaga ng mga hayop


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kilala ang aktres na si Heart Evangelista bilang isa sa mga celebrity pet lover. Kaya naman hindi niya napigilang ihayag ang kanyang saloobin hinggil sa bagong ordinansa sa Quezon City na naglilimita sa hayop na maaaring alagaan ng isang pet owner.

Nakapaloob sa naturang ordinansa
na bukod sa limitadong bilang ng hayop na maaaring alagaan, dapat na ipa-register ang mga alagang hayop, pabakunahan ang mga ito, at ilagay sa kulungan.
 
Hindi bababa sa P2,000 ang multa sa paglabag sa mga nabanggit na probisyon, kasabay ng pagkumpiska ng mga alagang hayop.

 

Id like to think that they had good intentions in passing the ordinance and while I agree with some of its provisions...Animal welfare is not about this. Abandonment of dogs/cats is punishable by law and this totally goes against it. It promotes dog/cat lovers to abandon their dogs no matter what age and how long they have had the dog/cat in their home. Pet abandonment is a crime under amended AWA. If people are imposed penalties or fees for having more than four pets...this may increase the incidence of pet abandonments... PAWS wasn't consulted on this (they didn't get invited to any hearing and if there was a public hearing at all, they didn't know about it). So Hopefully they can postpone signing off on the ordinance until at least all stakeholders have been consulted. There are many animal lovers that will be affected negatively by this ordinance because they are currently keeping more than 4 pets and a lot of them aren't breeders or businessmen but people with kind hearts who took in a homeless stray...

A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on


 
Ayon kay Heart, hindi maituturing na pagpapabaya at paglabag sa animal welfare ang pagkakaroon ng maraming inaalagaan ang pet owner.
 
"Abandonment of dogs/cats is punishable by law and this totally goes against it. It promotes dog/cat lovers to abandon their dogs no matter what age and how long they have had the dog/cat in their home," aniya.
 
Giit pa ng aktres, dahil sa multang katapat ng paglabag sa probisyong nagsasabing hanggang apat na lamang ang maaaring alagaan ng isang pet owner, maaaring maging mas malaki ang bilang ng insidente ng pet abandonment, na isang krimen sa ilalim ng Animal Welfare Act.
 
Hindi rin daw nabigyan ng pagkakataon ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na maipaliwanag ang posisyon ng grupo, at walang katiyakan kung nagkaroon man lang ng pagdinig hinggil sa nabanggit na ordinansa.
 
Umaasa si Heart na hindi kaagad ipapasa ang naturang ordinansa hanggang hindi naaayos ang ilan sa mga probisyon nito na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa mga hayop at sa mga pet owners at animal lovers.
 
Nararapat lamang daw na makonsulta ang lahat ng stakeholders na may kinalaman at maaapektuhan ng ordinansa.
 
"A lot of them aren't breeders or businessmen but people with kind hearts who took in a homeless stray," paliwanag ng aktres. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News