ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kumusta na ang ex-wife ni Willie Revillame na si Princess Punzalan?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagbalik-bansa ang aktres na si Princess Punzalan kasama ang kaniyang American husband at 11-month-old baby na si Helie upang makapagbakasyon at maging bahagi ng katatapos lang na 6th Golden Screen TV Awards nitong Linggo.
 
Si Princess ang nagpresenta ng Helen Vera Lifetime Achievement Award kina Cheche Lazaro para sa News, Ronaldo Valdez para sa Drama, at Roderick Paulate para sa Comedy.
 
Samantala, sa isang panayam sa 24 Oras nitong Lunes, nagpaabot rin ng mensahe ang aktres sa dating asawang si Willie Revillame na ngayon ay magbabalik telebisyon para sa kaniyang game show na 'WowoWin.'
 


Ayon kay Princess, kahit matagal na silang hindi nakapag-uusap, nananatili naman daw silang magkaibigan ng kaniyang dating mister.
 
“Pagbutihan mo. Alam ko naman na in everything you do, you always strive to be excellent. Kaya alam kong you'll do very well. I pray that God will bless you through and through,” mensahe niya para kay Willie.

Nineteen lang noon si Princess nang magpakasal kay Willie, at hindi nabiyayaan ang ilang taon nilang pagsasama.

Kasalukuyang nakabase si Princess at ang kaniyang pamilya sa Los Angeles, California sa Amerika, kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse.
 
Nais sana ni Princess na ipagpatuloy pa ang kaniyang propesyon bilang duktor pero baka hindi na raw niya kayanin ang ilan na taon na pag-aaral muli.
 
Gayunpaman, masayang-masaya at fulfilled umano ang aktres sa kaniyang bagong propesyon na pinasok.
 
Paliwanag niya, “Masarap 'yung alam mo na mayroon ka pang ibang puwedeng gawin. Masarap yung after 12 hours na trabaho, alam mo na at the end of your shift ay mayroon kang natulungan para mas umigi pa yung health."
 
Dagdag pa ni Princess, "Minsan may mga tao na ni hindi marunong mag-English, pero alam mong hirap na hirap. Hahawakan mo lang ang kamay, relieved na sila dahil may mga bagay na hindi nagagamot ng gamot lang. At the end of the day, you feel fulfilled knowing na meron kang natulungan.”-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News