ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca Gonzalez-Intal three months pregnant with first child


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinumpirma na ng aktres at TV host na si Bianca Gonzalez ang kaniyang pagbubuntis sa unang anak nila ng asawa at PBA player na si JC Intal matapos ang kanilang private Palawan wedding at enggrandeng post-wedding reception sa Araneta Coliseum noong nakaraang taon.

In Photos: JC, Bianca post wedding reception at Araneta coliseum

Sa text message na ipinadala niya sa manager at batikang TV host na si Boy Abunda, sinabi ni Bianca na tatlong buwan na siyang nagdadalang-tao. Tiniyak din niya na ligtas ang first trimester ng kaniyang pagbubuntis bago niya ito isapubliko.
 
“I am three months [12 weeks] along the way and heartbeat is very strong and all is good and healthy,” ayon kay Bianca sa naturang message na naka-post sa Instagram.
 
Dagdag pa niya, "The thing I learned is that couples wait a while before announcing because it isn't 'til the 8th to 10th to even 12th week that you see/hear the heartbeat via ultrasound. Couples usually wait to clear the first 3 months because it's the maselan/delikado months."
 
"No one wants to announce it and then have something untowards happen kaya couples wait and prefer the privacy muna."
 
Agad namang bumuhos ang pagbati para sa TV host at basketball player, lalo na mula sa kani-kanilang tagahanga at followers sa social media at maging sa mga kaibigan nila sa loob at labas ng showbiz.
 
Nagpapasalamat sina JC at Bianca sa mga nagpapaabot ng pagmamahal at suporta sa kanila ngayong papasukin nila ang bagong yugto ng kanilang buhay may-asawa. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News