AiAi Delas Alas proud of son Sancho Vito for being one of GMA's newly-signed artists
Kabilang ang anak ni Box Office Comedy Queen AiAi Delas Alas na si Sancho Vito Delas Alas sa 22 newly-signed artists ng Kapuso Network na nagtapos ng 10-session basic acting workshop ng GMA Artist Center sa ilalim ng patnubay ng batikang direktor na si Maryo J. Delos Reyes at acting coach at indie film director na si Yanni Yuzon.
Basahin: Direk Maryo sa mga nais mag-artista: 'You have to look at it as work. Hindi ito raket'
Proud mom naman si AiAi ngayong opisyal na artista na ang kaniyang anak.
“Congratulations anak kong pogi at artista. Wohooooooo bongga! Sorry, wala ako sa graduation mo but I am always proud of you, my baby boy,” aniya sa isang Instagram post.
Magkakasama sina AiAi at Sancho sa upcoming GMA Primetime teleserye na 'Let The Love Begin' na pagbibidahan. Kasama rin ang bagong Kapuso love team nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, at mga batikang artista na sina Gardo Versoza, Gina Alajar, at Donita Rose.
A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on
Samantala, proud sister din ang nakababatang kapatid ni Sancho na si Sophia Delas Alas, na nag-post pa ng throwback picture nilang dalawa sa Instagram upang ihayag ang kaniyang pasasalamat at suporta sa kaniyang kuya.
“I know you've worked so hard and finally paid it off! Congratulations on graduating the GMA acting workshop. Artista ka na!” ani Sophia.
Ipinangako naman ni Sancho sa mga kapatid na magsisipag siyang magtrabaho para sa kanilang pamilya.
Ang sweet nilang magmahalan ang swerte kong nanay .... #proudnanai
A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News