Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Pilot episode ng 'Wowowin,' blockbuster ang pila


Matapos ang higit sa isang taong pamamahinga mula sa showbiz, nagbalik-telebisyon na nitong Linggo, May 10, ang Kapuso host na si Willie Revillame kasabay ng inaabangang pilot episode ng kanyang bagong game show na 'Wowowin.'
 
Nagsimula ang show sa isang magarbong opening number ni ginawa sa Wil Tower sa Quezon City, at nagtuloy-tuloy sa Wowowin studio sa Kalayaan Avenue tampok ang ilang Kapuso stars gaya nina Lovi Poe, Kylie Padilla, at Winwyn Marquez.
 
 
Kitang-kita naman sa social media post kung paano pinilahan ng mga nasasabik na fans ang studio ng bagong game show upang maging bahagi ng pilot episode nito.
 
 

Isang mainit na pagtanggap ang nagaantay para kay Willie Revillame! Up next na sa #GMA ang #Wowowin!
 
 

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on





 

Kasabay nito, pinaalalahanan ng pamunuan ng 'Wowowin' na hindi na kailangang pumila ng mga taong nais manood ng naturang game show, na linggu-linggo nang mapapanood sa GMA. Sa halip, maaari silang mag-email sa Wowowin2015@yahoo.com.ph. 
 
Sa simula pa lamang ay hindi na nag-atubiling mamahagi ng biyaya si Willie, at agad niya ngang binigyan ng jacket at cellphones ang lahat ng manonood sa studio.
 
Nasundan ito ng kinapapanabikang segment na 'Bigyan Ng Jacket 'Yan,' kung saan sa bawat tanong na masasagot ng contestant mula sa mga bulsa ng jacket ay may karampatang premyo, gaya na lamang ng pera at bagong kotse.
 
Samantala, masayang-masaya naman ang anak ni Willie na si Meryll Soriano para sa pagbabalik-telebisyon ng kanyang ama. Aniya, “This is a very important event in my father's life so I'm very, very happy for him and very, very proud.” — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News