GALLERY: Pregnant celebrities share their excitement about upcoming babies
Excited na ang ilang celebrity moms at moms-to-be sa pagdating ng kani-kanilang baby kaya naman hindi nila mapigilang ibahagi sa buong mundo ang kanilang mga karanasan sa pamamagitan ng social media.
Kabilang sa mga excited preggy celebrities sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na ibinahaging maayos ang kanyang pagbubuntis at ang kanyang asawang si DIngdong lamang umano ang kanyang pinaglilihian.
Excited na rin si Matet de Leon sa pagdating ng kanyang baby girl na nakatakdang isilang sa loob ng dalawang buwan, habang hiling naman ng 'Healing Hearts' star na si Angelika dela Cruz na baby girl rin ang kanyang ipinagbubuntis pagkatapos ng kanyang panganay na lalaking si Gabriel.
Hindi na rin mapigilan ng first-time mommies na sina Jennica Garcia, Empress Schuck, at Bianca Gonzales ang pagkasabik sa pagdating ng kanilang mga panganay.
-- with Jessica Bartolome/JST, GMA News