advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Good vibes for Solenn and co. at La Union surf movie


Tampok ang Kapuso stars na sina Solenn Heussaff at Rocco Nacino sa pelikulang tinatawag nila ngayon sa social media bilang "Flotsam The Movie," kung saan masasaksihan umano ang isang love story sa isang surf lifestyle setting sa probinsya ng La Union, isa sa kilalang surf spots sa Pilipinas.

Dahil karamihan sa mga tagpo ay nagaganap sa beach, kitang-kita ang pag-e-enjoy ng cast ng pelikula sa kabila ng pagtatrabaho, lalo na at kinailangan nilang matutuhan ang adrenaline-pumping water sport na surfing.

 
 
 
 
 
 


Kabilang rin sa pelikula sina Carla Humphries, Jason Abalos, Jeff Ortega, child star Barbara Miguel, rock star Marc Abaya, surfer at indie actress Mara Lopez, at marami pang iba.

Sinamahan rin sila ng mga mamamayan ng La Union upang mas lalong maging makatotohanan ang ginagawang pelikula.

Ayon sa isang post ng Flotsam and Jetsam Hostel, isa sa shoot locations ng pelikula, "FLOTSAM The Movie is a Love Actually-style romantic comedy with Begin Again musicality in a surf lifestyle setting. Starring SOLENN HEUSSAFF and being filmed in the InstagraMagical universe that is your Flotsam and Jetsam Hostel."

Pinangungunahan ng direktor na si Jay Abello ang paggawa nito, at karamihan sa musikang maririnig sa pelikula ay mula kay Marcus Adoro, Mia Sebastian, Kiddo Cosio, Joncy Sumulong, at Uncle Bo Bismark.

Ilan sa mga awiting maririnig dito ay kakantahin mismo ng mga artistang bibida sa pelikula.  -- JST, GMA News
LOADING CONTENT