advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ricky Lee, napiling pagkalooban ng U.P. Gawad Plaridel ngayong 2015




Ang batikang script writer na si Ricardo “Ricky” Lee ang napiling pagkalooban ng pakilala ngayong 2015 ng U.P. Gawad Plaridel ng University of the Philippines College of Mass Communication.

Sa isang pahayag, sinabing sa darating na Agosto 26, tatanggapin ni Lee ang tropeo na sadyang idinesenyo ng National Artist na si Napoleon V. Abueva, sa gaganaping seremonya sa Cine Adarna ng UP Film Institute Film Center.

Ang pagkakaloob ng pagkilala kay Lee ay pangungunahan nina UP President Alfredo E. Pascual at UP Diliman Chancellor Michael L. Tan para sa ika-11 taon ng U.P. Gawad Plaridel.

Itinatag ng U.P. College of Mass Communication, ang taunang Gawad Plaridel para bigyan ng pagkilala ang mga Filipino media practitioner na nagpakita ng natatanging husay sa kanilang sining (print, radio, film, and television),  at  lubos na propesyunalismo.

Ilan sa mga hindi malilimutang kuwento sa pelikula na isinulat ni Lee ay ang Himala, Jaguar, Salome, Moral, Karnal at marami pang iba.

Ibinahagi rin ni Lee sa mga papagitan ng scriptwriting workshops at sa ginawa niyang libro ang kaniyang kaalaman sa pagsusulat.

Kabilang sa mga tumanggap ng pagkilalang Gawad Plaridel ay sina Eugenia Duran-Apostol (2004, print), Vilma Santos (2005, film), Fidela “Tiya Dely” Magpayo (2006, radio), Cecilia “Cheche” L. Lazaro (2007, television),  Pachico A. Seares (2008, community print), Kidlat Tahimik (2009, independent film), Eloisa “Lola Sela” Canlas (2011, radio), Florence “Rosa Rosal” Danon-Gayda (2012, television), Jose “Pete” Lacaba (2013, print), at Superstar  Nora “Nora Aunor” Villamayor (2014, Transmedia). -- FRJ, GMA News
Tags: rickylee
LOADING CONTENT