ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kylie Padilla admits breakup with Matt Henares
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kinumpirma ni Kylie Padilla na maagang nagwakas ang pag-iibigan nila ng chef na si Matt Henares. Alamin kung ano ang dahilan ng kanilang breakup.
Basahin: Is this Kylie Padilla's new boyfriend?
Noong nakaraang linggo, isang larawan ang ipinost ni Kylie sa kaniyang Instagram account na may caption na nagbigay ng palaisipan sa kaniyang mga follower kung mayroon ba siyang pinagdadaanan.
Sa episode ng Startalk nitong Sabado, June 6, nilinaw ni Kylie na ang naturang post ay tungkol sa kaniyang nadarama sa pagtuklas niya sa sarili.
Gayunman, nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila ni Matt na kasaluyang nasa Australia, kinumpirma ni Kylie na hiwalay na sila.
"Oo, hiwalay na kami," anang dalagang anak ni Robin Padilla." Ayoko naman nang malabo sa mga tao."
Pero paglilinaw ni Kylie, maayos at mutual ang desisyon ng kanilang paghihiwalay.
"Maayos naman yung nangyari. Siyempre malayo siya, and gusto ko munang mag-focus sa trabaho ko. Yun lang 'yon, ganun lang kasimple. Mutual naman," pahayag ng aktres.
Sa Instagram naman ni Matt, nag-post din ito ng larawan na may nakasaad na "bye bye."
Nito lang nakaraang Abril nang aminin ni Kylie ang magandang pagtitinginan nila ni Matt, na pinsan ni Rhian Ramos. (Basahin: Kylie and Matt: Ang chef at kostumer na nagkaibigan). -- FRJ, GMA News
Tags: kyliepadilla, matthenares
More Videos
Most Popular