We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Noong nakaraang linggo, isang larawan ang ipinost ni Kylie sa kaniyang Instagram account na may caption na nagbigay ng palaisipan sa kaniyang mga follower kung mayroon ba siyang pinagdadaanan.
Sa episode ng Startalk nitong Sabado, June 6, nilinaw ni Kylie na ang naturang post ay tungkol sa kaniyang nadarama sa pagtuklas niya sa sarili.
Gayunman, nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila ni Matt na kasaluyang nasa Australia, kinumpirma ni Kylie na hiwalay na sila.
"Oo, hiwalay na kami," anang dalagang anak ni Robin Padilla." Ayoko naman nang malabo sa mga tao."
Pero paglilinaw ni Kylie, maayos at mutual ang desisyon ng kanilang paghihiwalay.
"Maayos naman yung nangyari. Siyempre malayo siya, and gusto ko munang mag-focus sa trabaho ko. Yun lang 'yon, ganun lang kasimple. Mutual naman," pahayag ng aktres.
Sa Instagram naman ni Matt, nag-post din ito ng larawan na may nakasaad na "bye bye."