ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Arnell Ignacio, nag-propose na sa kaniyang boyfriend


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos mag-propose nitong nakaraang Miyerkules, ipinakilala na sa publiko ng comedian-TV host na si Arnell Ignacio ang bago niyang boyfriend na si Ken El Psalmer.
 
Sa episode ng Startalk nitong Sabado, June 6, ipinakita ang bahagi ng video nang mag-propose ang 51-anyos na si Arnell  sa kaniyang nobyong si Ken, na mas bata sa kaniya ng 17 taon.
 


Napag-alaman na gaya ni Arnell, isa ring mang-aawit si Ken.
 
"Ngayon ko lang naramdaman na parang bang...hindi ko na ma-contain yung nararamdaman ko. so kailangan kong mag-propose," ani Arnell. "Tsaka kasi gusto nito (si Ken) mga ganun, may mga procedure siya, mga ganun... kailangan ligawan, may proposal."
 
Pag-amin ni Ken, nabigla siya sa sobrang bilis ng mga pangyayari.
 
Pero para kay Arnell, 'Maya't maya sinasabi niya sa akin na mabilis pero ako hindi e, ganun ako e. Ang emosyon ko ganun e, saka isip ko ganun e."
 
Nito lang daw Abril 19 naging makasintahan ang dalawa pero mula noon ay hindi na raw sila mapaghiwalay.
 
Hindi rin daw naging hadlang ang malaking agwat ng kanilang edad para hindi mag-click ang bilang pagtitinginan.

Nitong nakaraang buwan, inihayag ni Arnell na sumasagi raw sa isip niya na mag-file ng annulment case upang mapawalang-bisa na ang kasal niya sa kaniyang dating misis na si Frannie.

Ikinasal ang dalawa noong 2004, matapos magsama ng halos labindalawang taon bilang live-in partners.  Pero noon ding 2004, limang buwan pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib, nagkahiwalay rin sina Arnell at Frannie.

Mayroon silang isang anak na babae, si Sofia. -- FRJ, GMA News