ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Nikki Gil thanks best friend Iya Villania for help in wedding preparations
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos ipaalam sa publiko ang engagement nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si BJ Albert noong Pebrero, nagsisimula nang maghanda ang aktres, singer, at TV host na si Nikki Gil para sa kanilang kasal.
Nitong nakaraang linggo, kasama niya best friend at "Taste Buddies" host na si Iya Villania sa cake tasting, pati na ang fiance ni Nikki na si BJ, at ang aktres na si Shaina Magdayao.
Naroon din sa tasting ng mga cakes na gawa ni Joyce Urieta ang wedding planner na si Chinkie Uy-Agregado.
Sa kanyang Instagram posts, nagpasalamat si Nikki sa kanyang mga kaibigan para sa kanilang oras, at sa fiance niya na nag-move pa umano ng kanyang meetings para personal na maging bahagi ng pagpa-plano ng kanilang kasal.
Thank you for your time, girls! ???????????? now I'm late for Myx. Hehehe soweeeee @myxph ????
A photo posted by Nikki Gil (@nikkigil) on
Cake TASTING nga eh. Taste lang. ???? #inubos @iyavillania
A photo posted by Nikki Gil (@nikkigil) on
A photo posted by Nikki Gil (@nikkigil) on
Ibinahagi rin niya ang nakakatuwang pangyayari kung saan naubos ni Iya ang cake na dapat sana ay titikman lang nila.
"Cake TASTING nga eh. Taste lang. #inubos @iyavillania," ayon kay Nikki. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: nikkigil, iyavillania
More Videos
Most Popular