advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Working with future daughter-in-law? Vilma Santos to shoot movie with Angel Locsin


Bukod sa kanyang pagsisilbi sa lalawigan ng Batangas bilang gobernador, abala rin ngayon si Vilma Santos-Recto sa iba't ibang showbiz commitments.
 
Isa na rito ang bagong pelikulang pagbibidahan niya kasama si Angel Locsin, ang kasintahan ng kanyang anak na si Luis Manzano.
 
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Unang Balita nitong Lunes, tuloy-tuloy na ang paghahanda sa naturang pelikula, at bukod nga sa test shots at script reading ay nagkaroon pa ng bagong look ang Star for All Seasons para sa role na gagampanan.
 
Kwento ni Ate Vi, “Pinagupit talaga kasi mahaba na ang buhok ko. Medyo pinatapyas ko ngayong ang likod kasi they wanted a new look for my role doon sa movie naman ni Angel, kasi sobrang yaman nung character.”
 
 
Samantala, hindi rin tumitigil ang Batangas governor sa pagsisilbi sa mga Pilipino sa loob man o sa labas ng bansa. 
 
Ngayong taon, lilipad siya papuntang Europa kasama ang asawang si Sen. Ralph Recto upang maging guest speakers sa programa ng mga OFW sa Italy. 
 
“May affair 'yung OFWs sa Italy so kami ni Senator (Recto) ang guest speakers. Maganda 'yun kasi part of it is sharing with them kung paano nila dapat alagaan ang pera nila if they want to invest in the Philippines or in Batangas,” ayon sa gobernador.
 
Kaugnay nito, pinabulaanan naman niya ang mga bali-balitang may balak siyang tumakbo para sa isang national position, gaya ng pagka-senador o bise presidente, sa darating na eleksyon sa 2016 ngayong nasa huling termino na siya ng pagiging gobernador ng lalawigan ng Batangas.
 
Aniya, “So far, I don't have any plans. In fact, I'm not entertaining it. That's a very, very big responsibility."
 
Dagdag pa ni Gov. Vi, "Gusto kong masabi naman ng mga Batangueño na nagtiwala sa akin ng 18 taon na hindi ko man naipangako ang langit at lupa, masabi man lang nila na 'Governor Vilma Santos-Recto served us well.' 'Yun lang, bayad na ang 18 taon.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
LOADING CONTENT