Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: AiAi Delas Alas is now a 'permanent resident' of USA


Ibinahagi ng "Let The Love Begin" star na si AiAi Delas Alas sa kaniyang Instagram account na pormal na niyang nakuha ang kaniyang "green card," o dokumentong magpapatunay na isa na siyang lawful permanent resident ng Estados Unidos.

 

Finally literal eto na ang GREEN CARD WOOHOOOO .. Thank you atty jamella nettles ..... TO GOD BE THE GLORY !!!!

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on


 
Sa larawan ng green card na ipinost ni AiAi sa kaniyang Instagram kamakailan, may caption ito na, "Finally, literal na eto na ang GREEN CARD WOOHOOOO! Thank you, Atty. Jamella Nettles. TO GOD BE THE GLORY!"
 
Matatandaang noong 2012, lumipad pa-America ang kaniyang mga anak na sina Sophia at Niccolo upang doon na mag-aral. Habang 2014 nang makuha ni AiAi ang kaniyang immigrant visa.
 
Kasalukuyang naninirahan doon ang kaniyang dalawang anak, at kasama naman niya dito sa Pilipinas ang panganay na anak na si Sancho Vito, at ang boyfriend na si Gerald Potenciano.
 
Kamakailan lang ay nagpost din si AiAi ng ilang larawan sa blessing ng kaniyang bagong bahay sa California.
 
Wala pa namang pahayag ang aktres kung kailan niya balak na permanente nang manirahan sa America ngayong isa na rin siyang US citizen. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News