ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Positive: Judy Ann Santos confirms second pregnancy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nitong Miyerkules, inilahad na sa publiko ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang ikalawang pagbubuntis ng aktres matapos isilang ang kanilang unang biological child na si Lucho noong 2010.
 
Ganap na 10:24 ng umaga nang mag-post sina Juday at Ryan sa kani-kanilang Instagram account ng salitang 'Positive,' na may kasamang hashtag na 'good vibes' at 'good morning' na caption.
 
Sa mga sumunod na larawan, makikita ang ultrasound ng aktres pati na ang kuha nila ni Lucho habang tila pinakikinggan ng anak ang tiyan ng kaniyang ina.
 
Kasabay ng mga larawang ito ang hashtag na 'Kuya na si Lucho' sa caption.
 
Matatandaang naging tahimik ang mag-asawa noong nakaraang buwan nang unang umugong ang balita ng pagbubuntis ni Juday dahil pinili umano ni Ryan na hindi sumama sa trip to Hongkong ng longest-running noontime show na 'Eat Bulaga' kung saan isa siya sa mga host upang matutukan ang asawa.

BASAHIN: Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo mum on second pregnancy

Ito na ang ikatlong anak ng isa sa pinakasikat at pinakamatatag na showbiz couple matapos nilang ampunin ang kanilang panganay na anak na si Yohan, na 11-year-old na ngayong taon. -- Bianca Rose Dabu/RSJ/FRJ, GMA Network.com