ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

GALLERY: Janine Gutierrez beginning to make her mark in modeling


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
 
 
 
 
 
 
Bukod sa pagiging artista, nagsisimula na ring makilala ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez sa larangan ng modeling matapos ang sunod-sunod niyang magazine features at covers ngayong taon.
 
Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras nitong Linggo, positibo ang reaksyon at feedback hindi lamang ng fans ni Janine kundi maging ng mga personalidad sa industriya ng modelling gaya ng photographers, stylists, at kapwa niya models.
 
 
Tuloy-tuloy na ang pagpupursigi ng Kapuso star sa kanyang modelling career, at mabilis rin siyang nakapag-iiwan ng tatak sa industriyang ito dahil na rin sa angkin niyang kagandahan at poise.
 
Kaugnay nito, marami na ang umeengganyo kay Janine na sumali sa mga prestihiyosong beauty pageants gaya na lamang ng Miss World Philippines, lalo na at hindi nalalayo ang kanyang aura sa 2013 Miss World at pinakabagong "Mari Mar" leading star na si Megan Young.
 
Gayunpaman, nakatuon raw ang pansin ng aktres sa kanyang acting career.
 
"It's flattering when I get asked about it but I really don't have plans of joining any beauty pageant. Gusto ko talagang mag-focus sa pagiging artista. Actually, ang nami-miss ko talaga right now is taping," aniya. —Bianca Rose Dabu/JST