ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY: Marian, Juday, and other celebs with the pregnancy glow
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kung napuno ng engagements at kasalan ang nakaraang taon, bumuhos naman ang biyaya sa taong ito matapos halos magsunod-sunod ang anunsyo ng pagbubuntis mula sa iba't ibang celebrities sa unang anim na buwan pa lamang ng taon.
Kabilang sa mga expecting and excited moms-to-be ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na patuloy ang paglaki ng baby bump, pati na ang singer na si Juris Fernandez na ipinagbubuntis ang kauna-unaha nilang anak ng asawa niyang si Gavin Lim matapos silang ikasal apat na taon na ang nakararaan.
First time moms din ang Kapuso actress na si Empress Schuck at ang anak ng batikang artistang si Jean Garcia na si Jennica Garcia-Uytingco, pati na ang TV host na si Bianca Gonzales-Intal, ex-Viva Hot Babes member na si Jen Rosendahl, at si Neri Naig, ang asawa ng band vocalist na si Chito Miranda
Samantala, patuloy namang lumalaki ang pamilya ni Matet de Leon ngayong ipinagbubuntis niya ang ikatlo niyang anak, at gayundin nga si Angelika dela Cruz na dinadala naman ang second baby nila ng kanyang non-showbiz husband.
Kamakailan lamang, inanunsyo rin ng 'Eat Bulaga' Dabarkads at 'Ismol Family' star na si Ryan Agoncillo ang pagbubuntis ng kanyang asawa at batikang aktres na si Judy Ann Santos. Ito na ang kanilang ikatlong anak matapos ampunin ang panganay nilang si Yohan, at matapos isilang ang ikalawa nilang anak na si Lucho noong 2010. - JST, GMA News
More Videos
Most Popular