ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

GALLERY: Iya Villania and Drew Arellano bond over being fit and exploring the world


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“A couple that trains together gets fit and happy together.”  Ito ang gabay ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania kaya naman isa sila ngayon sa mga maituturing na celebrity couple “fitspiration.”
 
Bukod sa recreational running, biking, swimming, at iba't iba pang exercises at workouts, sabay rin ang training ng dalawa para sa mga kompetisyong nais nilang salihan, katulad na lamang ng duathlon at triathlon races.
 
Mahilig rin sina Drew at Iya sa mag-explore ng mga lugar kaya naglalaan sila ng panahon upang mapuntahan mga magagandang lugar sa Pilipinas o sa ibang bansa.
 
Dahil sa pagkakaroon nila pareho ng active lifestyle at adventurous spirits, bonding na raw talaga para sa "Biyahe ni Drew" host at bagong "Chika Minute" anchor ang pagiging fit at page-explore.
 
Kuwento ni Drew sa 24 Oras report, masaya siya na naimpluwensyahan niya ang asawa sa ganitong klase ng lifestyle, at proud siya sa mga nakakamit nito kahit na tatlo hanggang apat na taon pa lang siya sa triathlon training.
 
Kamakailan lamang, nanalo si Iya ng gold medal sa una niyang triathlon, at sumali rin silang mag-asawa sa sikat na triathlon race na 'Iron Man 70.3' na ginanap sa Vietnam.
 
“Three, four years ago, she started being physically active. It's definitely a bonding time. We train together, we swim together, we bike together,” ayon kay Drew.
 
Dagdag pa ng TV host at adventurer, “She's so disciplined, she's very determined in whatever she wants to do.”


 
 
 
 
 






--

-- Jessica Bartolome, Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: multimedia