Filtered By: Showbiz
Showbiz

Miguel Tanfelix begins freshman year of college at De La Salle-Dasmariñas


Pumasok na bilang isang college freshman ang Kapuso teen heartthrob at 'Ismol Family' star na si Miguel Tanfelix sa nito lamang nakaraang linggo.
 
Sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, sinabi ng young actor na kasalukuyan siyang nag-aaral sa De La Salle University-Dasmariñas, at gaya nga ng maraming mag-aaral, tila excited rin si Miguel sa bagong yugtong ito para sa kanyang edukasyon.
 
 

There is always time for school. First week at De La Salle. #Animo #College
 

A photo posted by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_) on



 
Iginiit na ng 16-year-old Kapuso artist sa mga nauna niyang pahayag na mahalaga para sa kanya ang pagpasok sa paaralan at pagtatapos sa kabila ng busy schedule niya bilang isa sa pinakasikat na artista ngayon ng kanyang henerasyon.
 
Aniya sa Instagram post kung saan makikita ang isang binder notebook na nakapatong sa isang school desk, “There is always time for school. First week at De La Salle. #Animo #College.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
LOADING CONTENT