ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY: Kapuso stars in FHM's sexiest list for 2015
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kamakailan lamang nang ianunsyo ng men's magazine na FHM bilang Philippines' Sexiest Woman ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado matapos naganap na botohan para sa listahang kanilang 100 Sexiest Women ngayong taon.
Nitong Hulyo naman, inilabas na ng nasabing men's magazine ang 100 Sexiest list 2015, at marami ngang Kapuso stars ang sumama kay Jen sa listahan ng mga kababaihang itinuturing na may pinakamagandang katawan sa buong bansa.
Isa na rito ang aktres na si Andrea Torres, na nakuha ang No. 2 spot sa naturang listahan.
Bago magtapos ang nakaraang taon, ginulat ng aktres ang publiko dahil sa kanyang daring at sexy cover para sa December 2014 issue ng FHM, na naging daan rin upang bansagan siyang “New Queen” bago pa man magtapos ang botohan para sa 100 Sexiest list.
Sunod kay Andrea ang 'Bubble Gang' mainstay na si Sam Pinto sa No. 4, at ang 'Taste Buddies' host at 'Mari Mar' actress na si Soleen Heussaff sa No. 5. Ito na ang ikalimang taon ng dalawang Kapuso stars na ito sa listahan ng FHM.
Tampok naman sa No. 9 spot ng 2015 100 Sexiest list ang 'Juan Tamad' leading lady na si Max Collins, na kamakailan lamang din ay naging cover girl ng FHM para sa kanilang 15th anniversary issue.
Nasa No. 13 at No. 14 naman ang hot moms at 'Starstruck' alumni na sina LJ Reyes at Katrina Halili, habang nakuha naman ni Ryza Cenon ang No. 22 spot, at nasa No. 27 naman ang sexy actress na si Roxanne Barcelo.
Hindi naman nagpahuli ang isa pang 'Bubble Gang' babe na si Arny Ross na nasa No. 26, at sinundan naman siya ng isa pang 'Starstruck' alumni na si Jackie Rice sa No. 35.
Pasok rin sa listahan ang “The Rich Man's Daughter” leading lady na si Glaiza de Castro sa No. 45, habang nasa No. 60 naman ang Asia's Pop Princess at “Day Off” host na si Julie Anne San Jose, na isa sa mga itinuturing na newbie sa listahan.
Nakuha naman ng Kapuso Queen of Dance Floor at “Sunday All Stars” mainstay na si Rochelle Pangilinan ang No. 66 spot, habang nasa No. 72 ang pinakabagong “Mari Mar” at 2013 Miss World na si Megan Young, at nasa No. 73 naman ang Filipina-Italian “My Mother's Secret” star na si Gwen Zamora.
Naroon din sa listahan ang on-screen partner ni Glaiza na si Rhian Ramos sa No. 86 spot, na nasundan ng “Buena Familia” actress na si Kylie Padilla sa No. 87, Kapuso actress na si Kris Bernal sa No. 95, at “Karelasyon” host na si Carla Abellana sa No. 96. —JST, GMA News
More Videos
Most Popular