ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heart at Rocco, nag-kiss sa harap ni Lovi sa 'Beautiful Strangers'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inamin ni Heart Evangelista na naka-take two siya sa kissing scene nila ni Rocco Nacino para sa bagong Kapuso primetime series na "Beautiful Strangers."

Sa "Starbites" report ng GMA News TV's Balitanghali nitong Biyernes, inamin ni Heart na nailang siya na makahalikan ang boyfriend ng kaibigan niyang si Lovi Poe, na kasama rin nila sa serye.

Kung matalik silang magkaibigan sa tunay na buhay, magkaribal naman ang papel na gagampanan nina Heart at Lovie sa "Beautiful Strangers."

"Nag-kiss na kami (ni Rocco) sa harap ni Lovi, so medyo awkward siya," napapangiting kuwento ni Heart.



"Nag-take two ako, hindi ko mahalikan si Rocco parang ang weird lang talaga ng feeling," dagdag niya.

Mas inspired daw ngayon na magtrabaho si Heart dahil maganda na ang kaniyang personal na buhay ngayong nagkabati na ang mister niyang si Sen. Chiz Escudero at kaniyang mga magulang.

Maging sa kaniyang hobby na pagpipinta, happy rin ang aktres dahil magkakaroon siya ng next art exhibit sa 2016.

Flattered din ang aktres dahil maging ang kanyang mga step children ay na-eengganyo na rin sa pagpipinta.

Tinuturuan niya ang mga anak ni Sen Chiz at na-invite siyang mag-painting workshop sa school ng kambal na anak ng senador. -- FRJ, GMA News