Filtered By: Showbiz
Showbiz

'My Faithful Husband,' 'di pangkaraniwang love affair story-- Dennis Trillo


Nagsimula nang mag-taping sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa balik-tambalan nilang proyekto na "My Faithful Husband." Pagtiyak ni Dennis, hindi pangkaraniwang love affair story ang bagong ihahandog ng GMA.

Sa "Starbites" report ni Lhar Santiago sa GMA News TV's Balitanghali nitong Biyernes, inamin nina Jennylyn at Dennis na na-miss nilang makatrabaho ang isa't isa.

Matapos ang limang taon na hindi nagkasama sa proyekto, makikita ang closeness ng dalawa sa taping ng "My Faithful Husband" kaya hindi maiwasan na tanungin kung nagkabalikan na ba talaga sila.



Matapos magturuan sa pagsagot, natatawang sinabi ni Dennis na hindi sila sanay na makatanggap ng naturang katanungan.

Habol na sagot naman ni Jennylyn, "Pagdating sa mga personal na bagay na ganyan kumbaga, hanggang trabaho na lang siguro yung kaya naming sagutin."
 
Gayunman, nagpapasalamat ang dalawa sa bagong drama project na ibinigay sa kanila. Hindi raw nila inaasahan na magkakasama pa sila sa proyekto.

"Character-wise, iba yung character niya, iba yung character ko, tapos yung takbo ng story ibang-iba talaga," ani Jennylyn.

"Hindi siya yung typical na love affair, love triangle story," dagdag naman ni Dennis. -- FRJ, GMA News