ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang Kapuso hunks, nagbigay ng tips sa pagwo-workout kahit sa bahay lang


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi raw dapat maging dahilan ang pag-ulan para hindi maging fit and healthy sa pagwo-workout. Ang ilang Kapuso hunks, patuloy daw ang pag-exercise kahit nasa bahay lang.
 
Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing para ma-achive ang katawan tulad ng kina Tom Rodriguez, Christian Bautista, at Dennis Trillo, kailangan itong pagpawisan at paghirapan.



Hindi rin daw kailangang magpunta sa gym para maging fit and healthy dahil puwede namang gawin ang pag-ehersisyo sa bahay.

Ayon kay Enzo Pineda, magmula nang mag-workout siya, hindi na siya madaling tablan ng sakit kahit lagi siyang puyat sa taping ng My Mothers Secret.

Naglalaan daw siya kahit sampung minuto lang kada araw para makapag cardio workout tulad ng burpees.

Para naman magkaroon ng abs, gawin ang crunch exercises. At kahit medyo mahirap at nakakapagod, mahalaga raw na hindi ito dapat dayain lalo na kapag nakaramdam na ng "burn."

Ibinahagi naman ni Kapuso actor na si Ervic Vijandre na malaki ang naitutulong ng workout para sa dagdag na lakas at endurance.

Gaya ni Enzo, naglalaan daw si Ervic ng kahit ten minutes lang para matapos ang isang total body workout.

Kabilang sa ginawa niyang exercises ay burpes, push up, lunges, high knees, ab crunches and left and right cross crunches na may 15 repetitions na tuloy-tuloy.

Pero paalala ng mga Kapuso hunk, desiplina at dedikasyon para makamit ang hinahangad na magandang pangangatawan. -- FRJ, GMA News

Tags: kapusohunks