Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Dubsmash' video ni Miguel Tanfelix, pumatok sa Indonesia


Napansin na maging sa ibang bansa ang kakisigan ng Kapuso teen heartthrob na si Miguel Tanfelix matapos siyang mag-post ng isang “Dubsmash” video ng kantang “Twerk It Like Miley” sa kaniyang Instagram account nitong nakaraang buwan.
 
Maraming Indonesian fans ang pumuri sa aktor sa comments section ng naturang Instagram post, na ginawa lamang umano ng young actor sa loob ng sasakyan habang naghihintay.
 
Nang malaman ng mga taga-Indonesia na artista sa Pilipinas si Miguel, nakatanggap na siya ng mga imbitasyon para magtungo sa nabanggit na bansa.
 
"Sa handler ko po, marami raw nag-e-email sa kanya na ini-invite ako sa Indonesia," kuwento ni Miguel panayam kay Lhar Santiago sa “24 Oras” nitong Lunes.
 
Halos 250,000 followers ang nadagdag sa Instagram ng aktor matapos niyang i-upload ang nasabing 'Dubsmash' video.

Dahil naging trending ang post na iyon sa Instagram, naitampok si Miguel sa Indonesian news site na “Sumatera Ekspres.”
 
Sa kasalukuyan, mayroon nang 137,000 likes ang video ng Kapuso actor, at mayroon na rin itong higit sa 74,600 comments.

 

#TwerkItLikeMiley

A video posted by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_) on



Plano na rin daw ng young actor na gumawa ng isa pang 'Dubsmash' video.



-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News