ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Hollywood hunk actor, nagpunta ng Bohol para dumalo sa kasal ng kaibigan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Na-experience ng isang Hollywood hunk actor ang Pinoy-style wedding nang magpunta siya sa Panglao, Bohol para dumalo sa kasal ng isang kaibigan.
Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing nag-enjoy sa kaniyang pagdalo sa kasal sa Pilipinas ang model-turned-actor na si Kellan Lutz.
Si Kellan ay naging bida sa mga pelikulang "Twilight," "The Expendables 3" at "Hercules."
Matapos ang wedding ceremony ng kaibigan, game na game umanong nakisaya si Kellan sa reception by the beach.
Naki-jamming din siya sa kantahan at pagbirit sa awiting "Wrecking Ball."
Ayon sa Hollywood star, napamangha siya sa ganda ng Bohol at gusto niyang bumalik upang maisama ang mga kaibigan.-- FRJ, GMA News
Tags: kellanlutz
More Videos
Most Popular