ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Miguel Tanfelix, may imbitasyon na magpunta sa Indonesia


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakatanggap ng imbitasyon ang Kapuso teen heartthrob na si Miguel Tanfelix na magpunta sa Indonesia para dumalo sa isang event at makasama ang kaniyang fans sa nabanggit na bansa.
 
Nagkaroon ng maraming tagasuporta si Miguel sa Indonesia makaraang mag-post siya ng “Dubsmash” video ng kantang “Twerk It Like Miley” sa kaniyang Instagram account kamakailan.



Halos 250,000 followers ang nadagdag sa Instagram ng aktor matapos niyang i-upload ang nasabing video, at karamihan nga rito ay Indonesian na nag-request na bumisita doon si Miguel matapos nilang malaman na isa itong artista sa Pilipinas.

Ang imbitasyon kay Miguel sa Indonesia ay nakatakdang ganapin sa Oktubre pero hindi pa nagkukumpirma ang kampo ng Kapuso teen star dahil kailangang ayusin ang kaniyang schedule.

Gayunman, umaasa si Miguel na magkakaroon siya ng pagkakataon na mapuntahan ang kaniyang Indonesian fans.



Dahil sa pagiging viral at trending ng kaniyang video, naitampok si Miguel sa Indonesian news site na “Sumatera Ekspres,” at nagkaroon na rin siya ng fans sa East Timor.
 
Sa kasalukuyan, mayroon nang 173,000 likes ang video ng Kapuso actor, at mayroon na rin itong higit sa 82,300 comments. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News