ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Dating child star na laging may sakit ang role, astig na maybahay na ngayon
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isa sa mga sikat na child star noong dekada '90 si Sarah Jane Abad, na laging kinakaawaan dahil sa pagganap niya sa mga karakter na matamlay. Kabilang sa mga pelikulang ito ang “Bakit May Kahapon Pa?,” “Bukas Bibitayin si Itay,” “Wanted: Perfect Tatay,” at marami pang iba.
Maaaaaars! Happy birthday!!! Hihihihi. ?????? love you!!!! ????
A photo posted by Sarah Abad (@saraabad) on
Makalipas ang ilang taon, ang dating nene na laging matamlay sa mga pelikula, nag-transform na bilang isang astig na maybahay ng lead vocalist ng bandang Kamikazee na si Jay Contreras.
Tulad ng kaniyang mister na si Jay, mistulang rock star na rin ang dating ni Sarah, ang bunsong kapatid ng aktres na si Kaye Abad. Mayroon siyang mga tattoo sa katawan at confident sa iba't ibang hairstyles at hair colors.
Noong 2009, lumikha ng ingay ang kanilang kasal dahil naging kakaiba ang tema nito na nangibabaw ang kulay itim na malayo sa tradisyunal na puti.

Sa episode ng “Kapuso Mo Jessica Soho” nitong nakaraang Linggo, sinabing bukod sa pagiging mabuting maybahay, ina na rin ng dalawang anak si Sarah.
“Napapansin ko nga before na lagi akong may sakit, mahirap (sa role). Siguro kasi mukha akong sakitin dahil sa mata ko. Parang kawawa. Ngayon maraming nagugulat. 'Yung iba disappointed, 'yung iba natutuwa dahil parang ganun pa rin daw ang hitsura ko,” kwento ng former child star.
A photo posted by Sarah Abad (@saraabad) on
Dagdag pa niya, kahit na raw ilang taon na siyang hindi aktibo sa showbiz, hindi nawawala sa kaniyang puso ang kagustuhang umarte sa harap ng camera.
Aniya, “Kahit na ang tagal na hindi ako active sa showbiz, nasa dugo sa sistema ko na; hinahanap-hanap ko pa rin talaga ang pag-arte.” -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: sarahjaneabad, childstar
More Videos
Most Popular