advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Empress Schuck shows off baby bump in photoshoot


Nakatakdang isilang ni Kapuso actress Empress Schuck ang unang anak nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Vino Guingona sa darating na Oktubre, at hindi na nga maitago ng 22-year-old mom-to-be ang kaniyang excitement.
 
Nitong Lunes, ipinasilip ni Empress ang maternity shoot niya kasama ang Nice Print Photography, at kitang-kita nga ang pagiging blooming niya habang nagbubuntis.
 
 

BTS. Soon!???? ????@niceprintphoto????@nygiftworks????@makeupbyeicadecepida????@dressmenia ????@dyosa_arianne

A photo posted by Empress Schuck (@empressita) on


Nitong nakaraang buwan, nagbakasyon ang magkasintahan sa Brunei upang makapagpahinga sa gitna ng paghahanda para sa nalalapit na pagdating ng kanilang first baby.
 
Bukod dito, naghahanda na rin ang “Kailan Ba Tama ang Mali?” ng baby shower. para sa kaniya at sa kaniyang baby, na tila magiging isang engrandeng selebrasyon. 
 
Bukod sa printed invitations, inasikaso na rin ng aktres ang mismong programa pati na ang photo at video coverage nito.
 
Silipin ang ilan sa mga larawan ng mom-to-be na si Empress kasama ang proud dad-to-be na si Vino mula sa Nice Print Photography:
 
 
 

Empress ???????????????????? -l #maternityshoot #niceprintconceptshoot #empressschuck @nygiftworks

A photo posted by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on


 

Vino&Empress ???????? #maternityshoot #niceprintconceptshoot @nygiftworks

A photo posted by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on



—Bianca Rose Dabu/ALG, GMA News
 
LOADING CONTENT