Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kilig Pa More!

'AlDub' fever, lalong pinainit ang Eat Bulaga! TV rating


Lalong uminit ang television rating ng longest-running noontime show sa GMA-7 na Eat Bulaga! mula nang umarangkada ang kauna-unahan nitong kalyeserye na #KiligPaMore love team nina Alden Richard at Yaya Dub o "AlDub."
 
Batay sa resulta ng AGB Nielsen Mega Manila Ratings, pinangunahan ng Eat Bulaga! ang afternoon block mula July 28 (Martes) hanggang August 1 (Sabado).
 
Nakamit ng Eat Bulaga! ang pinakamataas na marka ngayong 2015 sa 28.1 percent noong Sabado, (Aug. 1). Samantalang 11.1 percent lang at nasa pang-siyam na puwesto ang karibal nitong programa sa nabanggit na araw.
 
Pinakamababa nang rating na nakamit ng Eat Bulaga! ay 24.6 percent noong July 28, Martes, habang wala sa top 10 shows sa nabanggit na araw ang karibal nitong programa.
 
Nagsimula ang Aldub tandem noong July 16 nang biglang ma-conscious si Yaya Dub (o Maine Mendoza) nang makita nito sa tv screen na pinapanood siya ni Alden.
 
Sa isang panayam, sinabi ni Wally Bayola, aka Lola Nidora, na nalaman nila na crush talaga ni Maine si Alden kaya hindi na siya nagtaka kung biglang na-conscious si Yaya Dub.
 
Inihayag naman ni Alden na hindi niya inasahan na magiging mainit ang pagtanggap ng Eat Bulaga! dabarkads sa AlDub love team kaya naman labis ang kaniyang pasasalamat sa mga manonood.
 
Para sa buong detalye ng AGB Nielsen Mega Manila Ratings (July 28-August 2, 2015), bisitahin ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Panoorin muli kung papaano nagsimula ang lahat ng #kiligpamore:

 
#AlDub Day 1: Yaya DUB meets Alden #KiligPaMore

Si Yaya DUB na-distract kay Bae Alden! ;) #KiligPaMore #PabebeWavePaMore

Posted by Eat Bulaga on Thursday, July 16, 2015


-- FRJimenez, GMA News
Tags: aldub, eatbulaga
LOADING CONTENT