advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

For real or for reel?: Yaya Dub, hinimatay sa araw ng kasal kay Frankie


Hindi natuloy ang "Yakie" wedding  sa kalyeserye ng Eat Bulaga nitong Sabado matapos mawalan ng malay at isugod sa ospital si Maine "Yaya Dub" Mendoza. Pero ang tanong ng mga nakapanood, totoo ba o acting lang ang pagkakahimatay ni Yaya Dub?

Sa Twitter, nag-top trending topic sa Philiipines at maging Worldwide ang #AlDubWeBelongTogether.

Kasama sa mga naging tweet ng netizens at Aldub followers ay pagtatanong tungkol sa kalagayan ni Yaya Dub.

May nasabi kasi na totoong hinimatay si Yaya Dub at dahil sa dinala siya sa ospital ay hindi natuloy ang inaasahang eksena ng kalyeserye.









Marami ang pumuri sa pagiging propesyunal nina Alden, Jose "Frankie" Manalo at Wally  "Lola Nidora" Bayola dahil nagawa pa rin nilang tapusin ang eksena.



Sa text message sa GMA News Online nitong Sabado, sinabi ni Malou Choa-Fagar, isa sa mga producer ng Eat Bulaga, na hindi mabuti ang pakiramdam ni Maine kanina.

Gayunman, tiniyak niya na mabuti na ang kalagayan ni Yaya Dub.

Bago nito, nag-post din si Maine sa kaniyang Twitter account bago ang insidente na sadyang masama ang kaniyang pakiramdam.



Sa pagpapatuloy ng kalserye ng Eat Bulaga na #Kiligpamore, nagtungo si Alden sa lugar ng kasal nina Frankie at Yaya Dub pero hindi pa rin sila nagkita ng kaniyang sinisinta dahil sa pagkakahimatay nito at dinala sa ospital.

Abangan ang susunod na kabanata sa susunod na linggo.



-- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT