ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Unang Hirit hosts join #AlDub fever


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi lang ang Kapuso dabarkads ang nahuhumaling sa kalyeserye ng Eat Bulaga na #KiligPaMore ng AlDub tandem kung hindi maging ang mga hosts ng Unang Hirit.

Sa episode ng naturang morning GMA show, nagkwentuhan ang mga host tungkol sa itinatakbo ng kalyeserye na mainit na pinag-uusapan ngayon kahit sa social media.

Anang mga host, araw-araw ay may pasabog at laging trending sa social media ang tambalan nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza.



Maging ang nakaraang kabanata ng AlDub saga ay alam ng mga host tulad ng pagkakahimatay ni Yaya Dub at ang pagsaboy ng inakalang asido sa mukha ni Alden.

“May hinimatay tapos sa susunod niyang pinost sa Instagram account, naka [pose] siya ng ganun. Parang walang nangyari, ‘di ba? Pero parang hindi pa natin ulit nakikita si Yaya Dub,” ani Arnold Clavio.

Na-miss din nila si Yaya Dub na hindi napanood sa Eat Bulaga nitong Lunes dahil kailangan pang magpahinga.

“Wala kahapon si Yaya Dub sa segment [dahil] sinigurado niyang okay na siya ngayon kaya excited na ‘yung mga fans sa susunod na eksena ng tambalang AlDub," ani Susan Enriquez.

Ayon kay Arnold, ang kagandahan sa kalyeserye ay wala itong nakahandang script at sinasabihan lang lang ang mga kasali sa kalyeserye ng kanilang gagawin.

May natatanggap rin umanong text messages ang Unang Hirit mula sa fans na hinihiling na magkaroon ng pelikula ang AlDub love team. -- FRJ, GMA News

Tags: aldub, yayadub