ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Na-hack na Instagram account ni Pokwang, nabuhay at pinalitan daw ng pangalan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagbigay ng babala ang komedyanteng si Pokwang sa kaniyang mga follower kaugnay ng muling pagbuhay sa luma niyang Instagram account na na-hack umano noon.
 
Sa kaniyang post sa bagong account na ginagamit, binatikos ni Pokwang ang pinaniniwalaan niyang nang-hack sa luma niyang Instagram account na @pokie827.
 
Saad sa post ng komedyante, "ikaw pala ang hacker ng dati kong IG accnt na pokie827 at pinalitan mona ng bagong name?? nakakaloka ka sana ikayaman mo yan tah ka!!"
 
Mayroong mahigit kalahating milyon followers ang lumang Instagram account ni Pokwang, habang nasa mahigit 100,000 naman ang followers sa bago niyang account na @itspokwang27.

Kaugnay ng pagbuhay sa luma niyang account, nagbabala si Pokwang sa kaniyang mga follower na hindi na siya ang gumagamit ng @pokie827.

Nilinaw din ni Pokwang na wala siyang Facebook account.



-- FRJ, GMA News