advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUBMAYBETHISTIME

Yaya Dub, nag-perform sa #BulagaPaMore; Lola Nidora, pinigilan ang pagkikita nila ni Alden


For the first time ever, nag-perform si Yaya Dub sa Broadway Centrum para sa #BulagaPaMore segment ng Eat Bulaga ngayong Miyerkules.

 


Inabangan ng mga fans ang kaniyang performance, dahil ito ang unang pagkakataon sana nilang magkita ni Alden Richards.

 

Naghihintay na si Alden....Nasaan ka na ba Yaya Dub? #AlDub #KalyeSerye

Posted by Eat Bulaga on Tuesday, August 11, 2015


Pero nang tinangkang salubungin ni Alden si Yaya Dub, umeksena naman si Lola Nidora, na humadlang sa pagkikita ng dalawa.



Nag-sermon pa si Lola kay Alden at sa Eat Bulaga audience.

"Lahat ng bagay pinagtatyagaan. Lahat ng bagay pinaghihirapan. Lahat ng bagay pinagsisikapan," aniya.

"Ano 'to, fan sign lang, love na? Text-text lang, kayo na?

"Lahat ng bagay, nasa tamang panahon."

Kasunod nito, hinamon ni Lola si Alden na punuin ng tubig ang isang container. "Ganiyan ang mga manliligaw ko noong araw, nag-iibig," sabi ni Lola. "Puro ka dubsmash, maghirap ka naman uy.

"'Pag napuno mo 'yan, puwede mong puntahan si Yaya Dub."

Pagkatapos nito, nagtanghal na si Yaya Dub ng isang princess-themed na production number na ikinatuwa naman ng mga fans sa studio dahil puno ito ng kaniyang trademark dubsmash at Pabebe Wave.

 

@mainedcm #BulagaPaMore #DabarkadsPaMore #EB36

A photo posted by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on



Sinubukan ni Alden na tapusin ang challenge ni Lola upang makita na sa wakas si Yaya Dub.

Sa pagtatapos ng kaniyang performance, kinailangang tumakbo palabas ni Yaya Dub mula sa studio, kaya tuluyan na ngang hindi sila nagkita ni Alden. Nagtapos ang segment na nakasabit si Yaya Dub sa isang jeep, habang hinahabol ni Alden sa labas ng Broadway.

Samantala, nakuha ni Alden ang isang sapatos ni Yaya Dub sa isang eksena na mala-Cinderella.

Sa TAMANG PANAHON....#AlDub #KalyeSerye

Posted by Eat Bulaga on Tuesday, August 11, 2015


- JST, GMA News
LOADING CONTENT