advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kalyeserye, naging extra challenge dahil sa hamon ni Lola Nidora kay Alden


Para kay Yaya Dub, hindi inatrasan ni Alden Richards ang hamon ni Lola Nidora na dalhin ang ilang sinibak na kahoy patungong EDSA mula sa studio ng Eat Bulaga sa Broadway Centrum sa loob ng 20 minuto.

 

Sa loob ng 20 minutes, dalhin ang mga kahoy sa EDSA hinihintay siya doon ni Rogelio.Magawa kaya ni Alden ang hamon ni Lola? #AlDub #KalyeSerye

Posted by Eat Bulaga on Friday, August 14, 2015


Nagmistula ngang extra-challenge ang kalyeserye ng Eat Bulaga nang takbuhin lang ni Alden ang ilang kilometrong distansiya ng Broadway Centrum at Edsa sa ilalim ng matinding sikat ng araw.



Tagagtak ang pawis ni Alden nang marating nito ang destinasyon sa ibabaw ng footbridge sa Edsa kung saan naghihintay ang isa sa mga Rogelio ni Lola Nidora.



Narating ni Alden ang destinasyon sa loob lamang ng mahigit 17 minuto kaya masaya si Yaya Dub na nakapasa ang kaniyang mahal sa pagsubok ni Lola Nidora.



Kung masaya si Yaya Dub, masama naman ang loob ni Frankie.



Pero tila simula pa lamang ito ng iba pang pagsubok na ipapagawa ni Lola Nidora kay Alden dahil mayroon na itong inihandang score board.



Nauna nang isinermon ni Lola Nidora na dapat pinaghihirapan ang pag-ibig at hindi parang instant noodles na just add water ay okey na, o pa-text-text lang ay magnobyo.

 

May 1 point na si Alden! #AlDub #KalyeSerye

Posted by Eat Bulaga on Friday, August 14, 2015


Nauna nang ipinagawa ni Lola Nidora kay Alden ang pag-igib ng tubig. -- FRJimenez, GMA News
Tags: aldub, eatbulaga
LOADING CONTENT