ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Eugene Domingo, may pakiusap kay Yaya Dub


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bilib maging ang television host-actress na si Eugene "Uge" Domingo sa hatak ng tambalang "Aldub" nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza. Pero may pakiusap si Uge kay Yaya Dub pagdating sa isa pa nitong manliligaw na si Frankie A. Arinoli.

Sa episode ng Startalk nitong Sabado, August 15, inilarawan ni Eugene na phenomenal ang pagsikat ng Aldub "on a national level" ng Aldub dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga.



"Nakadepende sa paglabas ng Aldub ang schedule ng mga tao ngayon sa buong Pilipinas," ani Eugene na napapanood sa Kapuso game show na Celebrity Bluff.

"Lahat ng mga Pilipino nakasubaybay sa Aldub, lahat ng meeting ay pagkatapos ng kalyeserye. Wala pong magmi-meeting, walang lalabas ng bahay hanggat hindi napapanood ang kalyeserye," dagdag pa ni Eugene na isa lamang sa napakaraming local celebrities na followers na rin ng Aldub tandem.

Pero pakiusap ni Eugene kay Yaya Dub, "Yaya Dub yung pinakasalan mo parang hawig kasi ng 'JoGe' ko. Siya ba 'yon?. Please 'wag mo naman agawin sa akin please...una siyang naging akin."

Ang tinutukoy ni Eugene ay si Frankie Arinoli na kamuntik nang maikasal kay Yaya Dub kung hindi lang totoong hinimatay ang huli.

Si Frankie ay ginagampanan ni Jose Manalo, na ka-love team naman ni Eugene sa Celebrity Bluff kaya nabuo ang tambalan nilang "JoGe."

Para naman kay Joey de Leon, naniniwala siya na tinangkilik ng publiko ang Aldub dahil sa istorya nito na madaling makarelate ang mga Pilipino. Bukod pa sa mga malamang sermon ni Wally "Lola Nidora" Bayola na kapupulutan ng aral ng mga modernong kabataan ngayon pagdating sa pag-ibig. -- FRJ, GMA News