advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUBTRUELOVEWAITS

Alden, may regalo para kay Lola Nidora; Rogelio, Rogelio, Rogelio, nasabon ni Lola


Tuloy-tuloy ang pagpapakilig ng AlDub sa kalye-serye ng Eat Bulaga ngayong Lunes. Pero si Lola Nidora, hindi natuwa sa performance ng kaniyang mga bodyguards.
 
Matapos maka-iskor ng one point ni Alden Richards noong Sabado sa unang challenge ni Lola Nidora, balik na naman siya sa Broadway upang makipagpalitan ng matatamis na messages kay Yaya Dub.
 
 
Bukod sa isang screen-to-screen kiss, bumuo rin ng heart figure sa kanilang mga kamay ang natatanging love team, na ikinakilig ng mga fans sa social media.
 
 
Sinubukan din ni Alden na suyuin si Lola Nidora sa pamamagitan ng isang pasalubong. Ang regalo ni Alden? Chicharon. Hindi kaya ito ika-high blood ni Lola?
 
 
Samantala, napagbuntunan ng galit ni Lola Nidora ang kaniyang mga bodyguard na sina Rogelio, Rogelio, Rogelio. Nang tanunging ni Lola kung kailan titino ang mga ito, may makahulugang sagot ang mga ito.
 
 
Sa bandang huli, tila may pakulo na naman si Lola para sa mga taga-subaybay ng kalyeserye.
 
Kung ano ito? Abangan sa Martes sa pagpapatuloy ng pinakaabangang lunchtime treat ng bayan. —JST, GMA News
LOADING CONTENT